Pilosopiya, Teorya at mga Realisasyon sa buhay na nagkakaroon ng kulay at kahulugan dahil sa Malayang Pananaw
Sunday, April 3, 2011
Away Bati
Hindi natin maiiwasan ang pag-aaway ng mga magkarelasyon, it either mag-asawa or mag-boyfriend/girlfriend. Meron akong isang kaibigan na namroblema sa kanyang boyfriend dahil meron silang hindi pagkakaunawaan, sa madaling salita nagkalabuan dahil sa isang malaking akala or maling interpretasyon ng isang pangyayari. Dumating ang isang araw na hindi sila nagpapansinan, yung tipong walang "Hi!" or "Hello?" tipong nagpapataasan sila ng pride at nagpapaandar ng kanilang ego. Sabi ko sa kaibigan ko "Ikaw na ang gumawa ng first move, kasi kung nagpapataasan kayo ng pride at nagpapaandar ng ego ay hindi kayo magkakaayos, kahit siya pa ang may kasalanan ay ikaw na ang mauna". Tapos sabi ng kaibigan ko "Ano sasabihin ko?", sabi ko naman "Batiin mo sya, mag-Hi ka or Hello". Pero hindi nya sinunod yung sinabi ko, ang ginawa nyang pang-bati sa kanyang boyfriend ay sumbat, kaya, ano ang reply ng boyfriend nya? Eh 'di, sumbat rin.
Payo ko lang sa mga magka-relasyon na nag-aaway o hindi magkaunawaan. Una, ikaw na ang gumawa ng first move, kayo na ang gumawa ng paraan para magkausap, kahit sya pa ang may kasalanan. Wala namang problemang hindi nalulutas kung dadaanin sa mahinahon na pag-uusap, tama? Ikalawa, kung gagawa ka ng first move dapat ang bati mo ay maaliwalas, hindi yung tipong isusumbat or ipapamukha mo sa kanya yung nagawa nyang kasalanan, kasi baka imbes na may gana syang mag-sorry tapos yung bati mo ay sumbat malamang mawalan na ng gana yan na mag-sorry. Imbes na magkaayos kayo ay baka lumala lang at dumaan kayo sa hiwalayan. Ikatlo, wag mo syang gantihan. 'Yan ang pangit minsan, nag-gagantihan, kung nagkasala sya sayo, huwag mo na syang gantihan dahil kapag naramdaman nya na ginagantihan mo sya, malamang gumanti sya sayo ng mas malala, eh 'di hindi kayo lalo nagkaayos, hindi ba?
Sa huli, wala naman talagang nagagawa ay panunumbat ng kasalanan at paghihiganti, pinapalala lang ang problema nyo. Matinong pag uusap lang talaga ang solusyon sa hindi pagkakaunawaan.