Monday, December 27, 2010

Saturday, December 11, 2010

May na-realize ako ngayon, bunga ito ng hindi ako makatulog. Sa katunayan hindi ako makatulog ngayong at mayroong pumasok bigla sa isip ko.

Isang sitwasyon ito sa simbahan, lagi ko itong napapansin dahil ako ay isang manggagawa sa aming simbahan. Pagkatapos ng programa sa simbahan, nakikita ko yung mga bata na pumupunta sa music instruments at dali-dali naman itong sinasaway dahil hindi alam ng bata kung paano gamitin ito. Pinapalo ang drums ng malakas, kinakalabit ang mga strings ng gitara at pinipindot ng wala sa tono ang piano, hindi ba't masakit pakinggan sa tenga ito?

Pero na-realize ko na nandito yung interes ng bata, kaya dapat turuan natin itong mga bata kung paano gamitin itong mga music instruments. Kaya imbes na sawayin sila at alisin sa kinalalagyan nila, bakit hindi na lang turuan sila kung paano hawakan o patugtugin ang mga music instruments.

Tuesday, November 23, 2010

Bakit sinisisi mo ang Dyos sa iyong pagkakamali?

Napagisip ko kamakailan na bakit natin sinisisi ang Diyos sa ating pagkakamali samantalang tayo ang gumawa ng desisyon para magawa ang pagkakamali?

Kaya bago ka gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli ay sikapin mong napagisipan mo ito ng mabuti.

Wednesday, September 15, 2010

Hindi ka biniyayaan ng Diyos dahil gagamitin mo sa kasamaan

"kaya siguro hindi ka biniyayaan ng Diyos n'un dahil gagamitin mo daw sya sa kasamaan."¹

Eto yung pabirong sabi ko dati noon sa isang chatroom 4-5 years ago na. May mga taong hindi kuntento sa sarili lalo sa status ng kanilang buhay or marahil sa pisikal nilang kaanyuan. Nagpagisip-isip ko na sadyang hindi talaga binigay ng Diyos sa kanila iyon dahil meron silang balak na gamitin nila iyon sa kasamaan, nakakatawang isipin hindi ba?

Kaya minsan huwag nating sisihin ang Diyos dahil hindi tayo pinagkalooban ng magandang boses, marahil sa ibang bagay tayo magiging epektibo. O kaya wala tayong masasabing kaaya-ayang pisikal na katawan dahil, aanhin pa ang magandang pisikal na katawan kung bulok naman ang kalooban.

Sa huli maging kuntento tayo kung ano ang meron tayo ngayon at pagsikapan nating i-excel ito. Dahil alam ko na kapag naging epektibo tayo sa kung ano ang meron tayo ngayon ay bibiyayaan tayo ng higit pa sa ating inaasahan.²

¹James 4:3
²Matthew 25:21

Monday, September 13, 2010

Life is Fair...

Not all times we rejoice
Sometimes we need to weep¹
That's life!
Life isn't fair? False!
Many things happen for a reason
That's the balance of life
Balance means equal
Equal means fair
Life is fair at all



¹Ecclesiastes 3:4 ; Romans 12:15

Saturday, September 11, 2010

Panimula

Ginawa ko ito para mailahad ang aking saloobin, marahil kapupulutan nyo ito ng aral at relisasyon sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.